Paslit, aksidenteng napatay ng ama

MAUBAN, Quezon- Sapul ng trahedya ang pamilya sa Barangay Liwayway sa lugar na ito nang aksidenteng masagasaan ng ama ang kanyang 2 taong gulang na anak na babae habang minamaneho ang delivery jeep nitong Linggo.

Ayon sa ina ng biktima, naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon.

Sinabi niya na minamaneho ang kanyang asawa ang jeep na may license plates DJS-967 nang  aksidenteng tumakbo ang kanilang anak patungo sa jeep at masagasaan.

Agad na binawian ng buhay ang paslit dahil sa severe head injury.

Iniulat ng nagluluksang ina ang insidente sa pulis kinabukasan, araw ng Lunes. RNT/SA



Paslit, aksidenteng napatay ng ama
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento