Final push sa SIM registration, hirit ni Poe

MANILA, Philippines – Hindi dapat magkaroon ng “goodbyes” bagkus “forever” sa ating subscriber identity module (SIM) kaya dapat nang iparehistro ito bago sumapit ang deadline sa Abril 26, 2023, ayon kay Senador Grace Poe.

Sa kabila ng pagtutol ng ilang grupo sa SIM Registration Law, sinabi ni Poe, pangunahing awtor at isponsor ng batas, na kailangan natin ang sistema upang maging ligtas at kampante ang lahat.

“Muli natin hinikayat ang publiko na bigyan ng “final push” ang SIM Registration Law habang papalapit ang deadline ng pagpaparehistro (sa April 26),” ayon kay Poe.

Kasabay, hinikayat ni Poe ang lahat ng ipakalat ang impormasyon sa sinuman ang pagpaparehistro ng SIM para sa kanilang proteksiyon at kapayapaan.

“Dapat matindi ang pagsusulong ng gobyerno at telcos na himukin ang ating kababayan na magparehistro. Dapat tumbasan ito sa matitibay na imprastraktura upang tugun ang pagdami ng transaksiyon para sa lahat ng gustong magparehistro ng kanilang SIM,” aniya.

Tiniyak din ni Poe na nakatakda sa sistema ng batas na ligtas ang lahat ng impormasyon at proteksiyon ng data.

“Sa ating SIM number wala dapat good bye, meron lang forever,” aniya. Ernie Reyes



Final push sa SIM registration, hirit ni Poe
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento