4 na bata, todas sa tigdas

CAGAYAN VALLEY – Apat ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) Region 2 ang naitalang nasawi dahil sa tigdas sa lambak ng Cagayan.

Ayon kay Dr. Amelita Pangilinan, Regional Director ng DOH R02, tatlo sa mga naitalang nasawi ay mula sa lalawigan ng Nueva Vizcaya habang ang isa ay mula sa Isabela.

Nagkaroon ng pangamba at maaaring nakaligtaan umano ng mga magulang ang pagbabakuna sa kanilang mga anak dahil sa takot na lumabas dulot ng mataas na bilang ng kaso ng COVID-19.

Aniya, mababa rin ang porsyento ng mga nagpabakuna nitong nakaraang taon kung saan umabot lamang sa 52% nitong 2022 dahil pa rin sa epekto ng COVID-19.

Dahil dito, sinabi pa ni Pangilinan na patuloy ang kanilang pag-iikot sa rehiyon kasama na ang mga Local Government Unit (LGU) maging ang mga Barangay Health Worker (BHWs) para makumbinsi ang mga magulang na ipabakuna ang mga anak.

Nilinaw din ni Dr. Pangilinan na lahat ng mga bakuna na ibinibigay at itinuturok ng kanilang ahensya ay walang bayad o libre.

Kaugnay nito, sinabi ni Jermaine Farrah Cepeda, National Immunization Coordinator ng DOH R02, target ng kanilang ahensya na mabakunahan kontra Tigdas at Polio ang 358, 323 na edad zero hanggang 59 months na mga bata habang 306, 675 naman ang edad 9 months hanggang 59 months sa rehiyon dos.

Tiniyak din ni Dr. Mar Wynn Bello, Assistant Regional Director ng DOH R02 na magbibigay ang ahensiya ng insentibo na aabot hanggang P100,000 para sa mga LGU na makamit ang 95% sa kanilang target na babakunahan ng Measles-Rubella and Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA)sa unang linggo ng Mayo. Rey Velasco



4 na bata, todas sa tigdas
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento