3 tiklo sa P1.3M shabu sa QC
3 tiklo sa P1.3M shabu sa QC

MANILA, Philippines- Nadakip ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Central Luzon ang tatlong tulak ng shabu matapos kumagat sa buy-bust operation kaninang madaling araw (May3) sa lungsod ng Quezon.
Kinilala ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo ang mga inaresto na sina Mark Ryan Absalon Raymundo, 39-anyos, Nestor Yabut Alabado, 40, at Heron San Antonio Bigalan, 30-anyos.
Ikinasa ang drug operasyon sa gasoline station na matatagpuan sa Barangay Pag-ibig sa Nayon, Q.C.
Isang ahente ng PDEA ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang mga suspek.
Nakumpiska mula sa tatlo ang limang plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang na 200 gramong shabu na nagkakahalaga ng P1,380,000.
Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Jan Sinocruz
3 tiklo sa P1.3M shabu sa QC
Source: Filipino Pinoys
3 tiklo sa P1.3M shabu sa QC
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento