3 tiklo sa higit P1M ‘shabu’
3 tiklo sa higit P1M shabu

OLONGAPO CITY- Arestado ang tatlong high-value drug suspek sa lungsod na ito matapos masamsaman ng mahigit P1 milyong “shabu” (crystal meth).
Sa ulat nitong Miyerkules, kinilala ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang mga suspek na sina Aiman Ombar, Mohammad Pangcatan, at Hamza Hadji Ali.
Sinabi ng PRO3 na naaresto ang tatlong suspek sa Barangay Sta. Rita sa buy-bust operation na isinagawa ng iba’t ibang police units sa siyudad.
Nakuha mula sa tatlong suspek ang apat na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, na may bigat na 152 grams at tinatayang nagkakahalaga ng P1,034, 960.
Kasalukuyang nakaditine ang mga suspek sa local police custodial facility at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA
3 tiklo sa higit P1M ‘shabu’
Source: Filipino Pinoys
3 tiklo sa higit P1M ‘shabu’
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento