Remulla kay Bantag: Face the music!

MANILA, Philippines- Hinamon ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla si dating Bureau of Corrections Dir. Gen. Gerald Bantag na sumuko na lamang ngayon na ipinaaaresto na siya ng korte.

Sa warrant of arrest ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206, maliban kay Bantag ay ipinahuhuli si dating Bucor Deputy Ricardo Zulueta kaugnay sa kasong murder o pagpatay sa Bilibid inmate na si Jun Villamor, na siyang tinukoy na “‘middleman” sa pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid.

Ayon sa kalihim ang hakbang ng korte ay bahagi ng “due process” at ang paggulong ng hustisya ay isang “welcome development.”

Ang panig naman aniya ng prosekusyon ay gagawin ang kanilang trabaho.

Umaasa si Remulla na maaresto si Bantag o mas mabuting sumuko siya.

Ani Remulla, kung si Bantag ay inosente ay mabuting lumantad siya at harapin ang kaso.

Sa paraan na ito, ani Remulla, matutukoy ng korte at hurado ang totoo at hindi totoo sa naturang kaso.

Nabatid na non-bailable o hindi makakapag-piyansa sina Bantag at Zulueta para sa kanilang kasong murder. Teresa Tavares



Remulla kay Bantag: Face the music!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento