Pamamahagi ng ayuda sa mga pamilyang hagip oil spill pinangunahan ni PBBM
Pamamahagi ng ayuda sa mga pamilyang hagip oil spill pinangunahan ni PBBM

MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Sabado ang pamamahagi ng government assistance at pangkabuhayan sa mga pamilya at mangingisda na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), namahagi ang Pangulo ng P98.6 milyong halaga ng family food packs sa mga pamilya na apektado ng oil spill sa lalawigan.
Personal na pinangunahan ng Pangulo ang distribusyon ng iba’t ibang government assistance gaya ng “fishing boats, fish smoking machines, water pumps, at vegetable seeds” at certified palay seeds sa mga magsasaka at residente ng Pola.
Sa report, ang Pangulo sa isinagawang situation briefing sa munisipalidad ng Pola, namahagi ang DSWD ng 140,728 family food packs mula sa 187,140 packs na idineliver sa lalawigan.
Ang DSWD ay namahagi at nag-deliver ng family food packs sa tranches at may apat na distribusyon sa apektadong komunidad “as of April 14.”
Ang DSWD ay may 46,212 food packs na inilaan para sa ika-7 at ika-8 sa distribution schedule.
Nakatanggap ang Oriental Mindoro municipalities ng government aid kabilang na ang Baco, Bansud, Bongabong, Bulalacao, Calapan City, Gloria, Naujan, Mansalay, Pinamalayan, Pola, Roxas, San Teodoro, Socorro, at Victoria.
Naisakatuparan din ng DSWD ang cash-for-work program sa government clean-up operations sa pakikipagtulungan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Iniulat din ng DSWD na mayroong mahigit sa 25,000 pamilya sa 14 na bayan na iniugnay sa programa na may kabuuang budget allocation na P190.1 million.
Kabilang sa mga aktibidad na isinagawa ay “oil spill clean-up along the coastlines under the guidance of the DENR, land clearing for communal garden, establishment of barangay and background gardening, hauling and handling family food packs, and clean up and desilting of canals for flood prevention.”
Nauna rito, nagsagawa ang Pangulo ng aerial inspection ng komunidad na apektado ng oil spill sa lalawigan at joined agencies at local officials sa situation briefing.
Pamamahagi ng ayuda sa mga pamilyang hagip oil spill pinangunahan ni PBBM
Source: Filipino Pinoys
Pamamahagi ng ayuda sa mga pamilyang hagip oil spill pinangunahan ni PBBM
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento