Foreign trips ni PBBM
Foreign trips ni PBBM, pagpapakilala ng Pilipinas sa mundo – envoy

MANILA, Philippines – “It’s really the only way to tell the world that we’re on business.”
Ito ang sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez nitong Biyernes, Abril 14, kaugnay nang mga biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungo sa iba’t ibang bansa mula nang manungkulan ito.
Matatandaan na sinabi ni Marcos na babawasan na niya ang pagbiyahe sa ibang bansa ngayong taon, na matatandaang nakatanggap din ng kabi-kabilang kritisismo.
Sa kabila nito, sinabi ni Romualdez na napaka-importante ang mga presidential trips.
“It’s different when a head of state meets or gets to go to a country rather than a Cabinet Secretary or representative. I’ve seen it so many times. It’s so effective. It’s really the only way to tell the world that we’re on business. [Or] who we are. It’s important,” pahayag ni Romualdez sa panayam ng ANC.
Isinalaysay niya rin kung gaano ka-epektibo ang mga biyahe ng mga Pangulo, katulad nang sumama siya sa biyahe nina dating Pangulong Fidel Ramos at Benigno “Noynoy” Aquino III.
Nakatakdang lumipad si Marcos patungong Indonesia sa Mayo para sa Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit.
Kasunod ito ng pagdalo naman niya at ni First Lady Louise Araneta-Marcos sa koronasyon ni King Charles sa United Kingdom.
Samantala, sinabi pa ni Romualdez na “there are many other obligations [Marcos] has to do on a personal basis because it’s good for our relationship with other countries.”
Kasabay nito, sinabi rin niya na inabisuhan niya si Marcos na bumisita sa Estados Unidos tatlong beses isang taon, dahil napakaraming potensyal ng gagawin niyang ito.
Kamakailan ay sinabi ni Romualdez na bibisita si Marcos sa Estados Unidos nang hanggang dalawang beses ngayong 2023.
Ang ika-siyam at pinakahuling overseas trip ng Pangulo mula nang maluklok ito ay ang limang araw na state visit niya sa Japan noong Pebrero. RNT/JGC
Foreign trips ni PBBM, pagpapakilala ng Pilipinas sa mundo – envoy
Source: Filipino Pinoys
Foreign trips ni PBBM
pagpapakilala ng Pilipinas sa mundo – envoy
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento