Philippines news
Pumaslang sa sariling ina sa Mandaluyong, sumuko sa NBI

MANILA, Philippines – Nadakip ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang indibidwal na pumaslang sa sariling ina nito sa Mandaluyong City.
Kinilala ng NBI-Anti Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) ang suspek na si Raymund Villastique.
Ayon sa NBI, boluntaryong inamin ng suspek na siya ang pumatay sa kanyang ina sa kanilang bahay.
Ibinunyag din ni Villastique sa NBI-AOTCD kung paano niya ito pinatay at kung saan niya itinapon ang labi ng biktima.
Agad na nagtungo ang NBI-AOTCD Bocaue, Bulacan at kinumpirma ng Barangay na may bangkay na nadiskubre sa kanila na nakalagay sa puting plastic box.
Kinumpirma rin ng suspek ang lugar na siyang pinatapunan nito ng bangkay.
Kinasuhan na ng parricide ng pulisya si Villastique. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Pumaslang sa sariling ina sa Mandaluyong, sumuko sa NBI
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
Pumaslang sa sariling ina sa Mandaluyong
showbiz
sports
sumuko sa NBI
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento