Displaced OFWs tatanggap ng P10K – Ople

Makakatanggap ng P10,000 humanitarian aid mula sa gobyerno ang mga Filipino workers na hindi pa nakakatanggap ng kanilang back wages at benepisyo mula sa dati nilang employers sa Kingdom of Saudi Arabia.

Sinabi ni Migrant Workers Secretary Susan Ople na maglalabas ang gobyerno ng P100 milyon upang tulungan ang nasa 10,000 OFWs habang hinihintay ang resulta ng pag-uusap sa pagitan ng Pilipinas at Saudi Arabia kaugnay sa back pay.

Ang pondo ay sasagutin ng departamento, ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Ople, base sa kanilang rekord, mahigit 100 Saudi claimants ang namatay na habang naghihintay na makuha ang kanilang back wages mula sa Saudi construction firms.

Nagdeklara ng pagkalugi ang  Saudi Oger Ltd., Mohammad Al Mojil Group, at iba pang construction firms noong 2015 at 2016, na nakaapekto sa halos 13,000 OFWs.

Pinakita sa rekord na mayroong  8,829 claimants mula Saudi Oger at 3,454 mula Mohammad Al Mojil.

Pinasalamatan naman ni Ople si DSWD Secretary Rex Gatchalian para sa pagpapaabot ng tulong sa mga manggagawang nakabase sa Saudi ngayong mahirap ang panahon.

Maaalala na  nakipagdayalogo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr kay Saudi sa 29th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangko, Thailand, kung saan tinalakay ang isyu ng mga hindi nabayarang OFWs. Jocelyn Tabangcura-Domenden



Displaced OFWs tatanggap ng P10K – Ople
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento