5 kalsada sa NCR
5 kalsada sa NCR, sarado sa reblocking – MMDA

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes, Marso 17, na limang kalsada sa Metro Manila ang isasara upang bigyang-daan ang mga repair at reblocking sa darating na weekend.
Sa abiso, sinabi ng MMDA na magsasagawa ng repair ang Department of Public Works and Highways sa mga sumusunod na kalsada simula alas-11 ng gabi ng Marso 17 hanggang alas-5 ng umaga sa Marso 20:
EDSA Northbound (innermost lane) sa pagitan ng Ayala Avenue at Buendia Avenue, Makati City
EDSA Northbound Mahal Kita Hotel hanggang Taft Avenue
C-5 Service Road, Bagong Ilog sa harap ng M.I.H. Building, Pasig City
C-5 Road sa pagitan ng Lanuza at Canley Road, Pasig City
Commonwealth Avenue 1st lane mula MRT 7
Inaabisuhan ang mga motorista na maghanap ng ibang alternatibong ruta. RNT/JGC
5 kalsada sa NCR, sarado sa reblocking – MMDA
Source: Filipino Pinoys
5 kalsada sa NCR
Philippines news
Pinoy Trending
politics
sarado sa reblocking – MMDA
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento