5 sugatan sa sumabog na LPG tank sa fast-food outlet

LUCENA CITY- Limang empleyado ng fast food outlet sa Candelaria ssa Quezon ang nagtamo ng sugat nitong Biyernes ng hapon matapos sumabog ang liquefied petroleum gas (LPG) tank.

Base sa spot report mula sa Quezon police, kinilala ang apat sa injured workers sa isang chicken restaurant na sina Shayne Montales, supervisor; Ayie Efil, supervisor; Jennelyn Salazar Perez, crew; at Micko Buedron, cashier. Isa sa mga biktima ang hindi pinangalanan.

Dinala ang limang biktima sa pinakamalapit na ospital kasunod ng insidente.

Nagtamo sina Efil at Buedron ng second-degree burns sa kanilang katawan, base sa mga pulis.

Naganap ang pagsabog bandang alas-3:30 ng hapon sa isang restaurant sa loob ng WalterMart shopping mall sa Barangay Malabanban Norte.

Agad namang rumesponde ang mga bumbero.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang mitsa ng pagsabog ng LPG tank. RNT/SA



5 sugatan sa sumabog na LPG tank sa fast-food outlet
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento