1
1,800 arestado sa laban ng India vs child marriage

INDIA – Inaresto ang mahigit 1,800 katao sa massive crackdown laban sa child marriage sa northeastern state ng India na Assam.
Ayon kay Chief Minister Himanta Biswa Sarma, noong nakaraang buwan kasi ay nagdesisyon na ang pamahalaan na kasuhan ang mga lalaki na magpapakasal sa mga babaeng mas bata pa sa legal marriage age na 18.
Sa isang tweet, sinabi ni Sarma na isinagawa sa iba’t ibang lugar sa Assam ang nangyaring pag-aresto na naglalayong, “to act with a spirit of zero tolerance against the unpardonable and heinous crime on women.”
Isang araw bago ang operasyon, inanunsyo na ni Sarma na tututukan nila ang nasa 4,000 underage marriage cases na naitala sa lugar sa nakalipas na siyam na araw.
Target din ng operasyon ang mga Hindu priests at Muslim clerics na nagkakasal sa mga bata.
Ang mga kaso sangkot ang batang babae edad 14 pababa ay ihahain sa ilalim ng Protection of Children from Sexual Offences Act, habang ang mga babae edad 14 hanggang 18 ay sa ilalim naman ng Prohibition of Child Marriage Act.
Ayon sa survey ng pamahalaan noong 2019, nasa 32% ng mga babae sa Assam ay ikinakasal na kahit hindi pa ito nakatutuntong ng 18-anyos habang 12% sa mga ito ay nanganak na sa nasabing edad.
Ang eastern state ng West Bengal ng may pinakamataas na kaso sa 41.6% ng child marriages sa bansa.
“We are dominated by tribal groups, tribes and minorities, and they marry their daughters at a young age,” pagbabahagi ni Rajib Sharma, pinuno ng Global Organization for Life Development, isang NGO na naka-base sa nasabing bansa.
“We are dominated by tribal groups, tribes and minorities, and they marry their daughters at a young age,” dagdag niya.
“Poverty, illiteracy, and a lack of government action are also among the reasons for early marriages in Assam.” RNT/JGC
1,800 arestado sa laban ng India vs child marriage
Source: Filipino Pinoys
1
800 arestado sa laban ng India vs child marriage
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento