Kelot dinampot sa pangmomolestiya sa nene sa Navotas

MANILA, Philippines – Himas-rehas ang isang lalaki matapos molestiyahin ang isang menor de edad na babae sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek bilang si Jayson Aborlongan, 27 ng 234 S. Roldan St., Brgy Tangos South, na nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness.

Sa imbestigasyon ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Navotas police, habang bimibili ng candy ang biktima sa kalapit na tindahan S. Roldan St., Brgy Tangos South dakong alas-2 ng hapon nang lapitan siya ng suspek at hinipuan sa hita hanggang sa kanyang puwetan.

Matapos nito, naglakad na umalis ang suspek na tila walang nangyari habang nang makauwi sa kanilang bahay ang biktima ay agad niyang sinabi sa kanyang ina ang ginawa sa kanya ng manyakis na lalaki.

Agad namang humingi ng tulong ang mag-ina kina Jayson De Leon at Resty Torres, kapwa tanod ng Brgy. Tangos South na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. Boysan Buenaventura



Kelot dinampot sa pangmomolestiya sa nene sa Navotas
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento