DOH: Paglobo ng COVID cases sa Pinas
DOH: Paglobo ng COVID cases sa Pinas, posible

MANILA, Philippines- May posibilidad na magaya sa China ang Pilipinas pagdating sa muling paglobo ng mga kaso ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa media forum ng DOH sa BGHMC Garden Baguio City, sinabi ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire na ang posibilidad ay laging nariyan pero unang-una hindi maaaring ikumpara ang Chinese population sa populasyon sa Pilipinas.
Pangalawa, sinabi ni Vergeire na may iba’t ibang strategy na ipinatutupad ang bawat bansa.
Gayunman, base aniya sa kanyang pananaw nakikita naman na naka-mask pa rin ang mga tao at pinipiling maging safe o ligtas.
Sakali man aniya na tataas ang kaso sa susunod na mga araw, sinabi ni Vergeire na inaasahan na ito dahil dumaan ang holidays at maraming mga pagtitipon ang isinagawa.
Sa kabila nito, tiniyak ni Vergeire na handa at patuloy na maghahanda ang Department of Health (DOH) sakaling dadami pa ang kaso ng COVID-19 ngayong 2023.
Binigyan-diin niya na ang lahat ng mga hospital ay nakaalerto para rito.
Kung kinakailangan ay makapagbubukas pa ng hospital beds para sa COVID-19.
Mahalaga rin umano na 94 porsyento na ang fully vaccinated at marami na rin ang nakatanggap ng kanilang booster shots bilang dagdag proteksyon laban sa virus bukod pa sa mga bagong bakuna na darating.
Ang pahayag ni Vergeire ay sa gitna ng muling pagsirit ng mga kaso sa China kung saan ilang bansa ang muling nagpapatupad ng travel restrictions sa mga pasahero na mangaggaling ng rehiyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden
DOH: Paglobo ng COVID cases sa Pinas, posible
Source: Filipino Pinoys
DOH: Paglobo ng COVID cases sa Pinas
Philippines news
Pinoy Trending
politics
posible
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento