Hapon natagpuang nakahandusay sa condo

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District (MPD) ang pagkamatay ng isang 59-anyos na Japanese national matapos matagpuang nakahandusay sa loob ng tinutuluyang condo unit sa Malate, Maynila, Miyerkules ng umaga, Nobyembre 23.

Nakipag-ugnayan na ang MPD sa Japanese Embassy upang ipagbigay alam ang nangyari sa biktima na si Jun Nonaka, nanunuluyan sa Room 2126 sa Le Mirage Condominium sa Mabini Street, Malate.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, 6:35 ng umaga nang madiskubre ng kanyang kababayang Hapon na si Mazao Koizumi na naka handusay ang biktima nang katukin nito ang kanyang kuwarto na katabi lamang ng tinutuluyan.

Agad itong nagpasaklolo sa staff ng condo para madala ang biktima sa pagamutan subalit binawian rin ito ng buhay.

Una ng dinaing ng biktima na naninikip ang kanyang dibdib at nalaman din na may iniindang sakit na hypertension at diabetes.

Habang hinihintay ang resulta ng awtopsiya, pansamantalang nakalagak sa Cedrick Funeral Morgue ang labi ng dayuhan. Jocelyn Tabangcura-Domenden



Hapon natagpuang nakahandusay sa condo
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento