Malakanyang kumpiyansang mababakunahan ang 50% ng NCR population bago matapos ang ECQ

MANILA, Philippines – Kumpiyansa ang Malakanyang na mababakunahan kontra coronavirus disease (COVID-19) ang 50 porsyento ng populasyon ng Metro Manila bago matapos ang enhanced community quarantine na iiral hanggang Agosto 20.

“We should be [vaccinating] at 250,000. We are at 230,000, but that is not a bad number,” ani presidential spokesperson Harry Roque.

“We are on our way to [vaccinating] 50% of Metro Manila’s population,” dagdag nito.

Naglaan ang gobyerno ng apat na milyong dose ng COVID vaccine na ituturok habang nasa ECQ ang rehiyon.

Kamakailan, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nasa 40 porsyento na ang nabakunahan sa 10 milyong residente na target ng gobyerno.

Sa buong bansa, 24.479 milyong na ang nakatanggap ng bakuna kung saan 11.39 milyong ang kumpleto-bakunado mula sa 39.5 milyong suplay ng bakuna ng bansa.

Samantala, sinabi ni Roque sa publiko na huwag na munang maghanap ng booster shot dahil limitado pa rin ang suplay ng bakuna sa bansa.

“Let us wait for population protection first before we look for booster shot. If you are an overseas Filipino worker and your employer requires that certain brand, get that brand required of you and let others have the other brands,” aniya. RNT/ELM


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento