Bulusan – DSWD
P63M nakaantabay sa nagbabadyang pag-alburoto ng Mayon, Bulusan – DSWD

MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naka-standby na ang P63 milyong halaga ng pondo at tulong para sa pagtugon sa pinangangambahang pag-alboroto ng Bulkang Bulusan at Mayon sa Bicol region.
Ang stockpile ay nakalagak sa DSWD Bicol office kung saan kabilang rito ang P5 milyong piso na standby funds, P17 milyong halaga ng food packs, at P40-milyong halaga ng non-food items.
“Just in case nga na, huwag naman po sana, na tuluyan ngang mag-alburoto itong dalawang bulkan ay handa na po, readily available po itong P63 million,” ayon kay Social Welfare Undersecretary Edu Punay sa isang public briefing.
“At sa kabuuan naman po dito sa DSWD Central Office ay mayroon po tayong standby funds din na 1.2 billion, just in case magkulang po iyong nasa field office po natin,” wika pa nito.
Noong nakaraang linggo, itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 2 ang Mayon volcano sa Albay province at nagbabala ng posibleng pagsabog nito.
Araw naman ng Miyerkules, itinaas ng Phivolcs sa Alert Level 1 ang Bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon dahil sa “state of low-level unrest.”
“Ang reminders ko lang ‘no, sa ating mga LGUs, please review your contingency plans na on Bulusan; and hindi lang sa Bulusan, pati sa pagdating ng bagyo,” ayon naman kay Office of Civil Defense Assistant Secretary Raffy Alejandro.
“Kasi kapag may bagyong dadaan diyan sa Bicol, magmu-move na naman ang mga lahar diyan not just in Bulusan but also in Mayon. Kailangan po ay maging proactive tayo. Let’s remind our constituents na to be ready, maghanda at sumunod po sa mga abiso ng mga authorities natin para po sa kaligtasan ng lahat po,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, tinatayang may 95,000 katao sa 6 na munisipalidad malapit sa Bulusan ang maaaring maapektuhan kapag dumami ang aktibidad nito.
Kaya nga hinikayat ni Alejandro ang mga residente na mag-restock ng suplay at face masks sakali’t magkaroon ng ash fall. Kris Jose
P63M nakaantabay sa nagbabadyang pag-alburoto ng Mayon, Bulusan – DSWD
Source: Filipino Pinoys
Bulusan – DSWD
P63M nakaantabay sa nagbabadyang pag-alburoto ng Mayon
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento