De Lima kay Robin Padilla: ‘Thank you for your concern and kindness’

MANILA, Philippines — Nagpasalamat si  dating senador Leila De Lima onnitong Huwebes kay Senador Robinhood Padilla sa pagbisita sa kanya sa Camp Crame matapos ang insidente ng nitong Linggo kung saan naging hostage siya ng detainee.

Binisita ni Padilla si De Lima nitong Miyerkules sa Philippine National Police (PNP) General Hospital, kung saan kasalukuyan siyang naka-confine. Idinaing niya ang pananakit ng dibdib matapos ang inilarawan niyang “very alarming and near-death” sa isang hostage attempt sa loob ng PNP Custodial Center noong Oktubre 9.

Tinutukan si De Lima ng kutsilyo ng kapwa detainee na si Feliciano Sulayao Jr., na kasama ang dalawa pa, ay napatay ng mga rumespondeng pulis. Sinabi ng awtoridad na nagtangka ang Abu Sayyaf Group members na sina Sulayao, Arnel Cabintoy, at Idang Susukan na tumakas mula sa detention facility at tinangkang i-hostage si de Lima.

Inihayag ni De Lima na kasama ni Padilla ang kanyang staff, at kapatid na si Rommel at broadcaster na si Rey Langit sa hospital visit.

“It is my first time seeing & talking to him personally (which lasted for more than half an hr), and it’s a little bit surreal & disconcerting that the topic of our 1st meeting is the very alarming & near-death incident last Sun[day]. Ni sa imahinasyon ay di ko naisip na mangyayari ‘yun,” pahayag niya.

“Thank you for your concern and kindness, Sen. Robin. Thank you for the sincerity in listening as I recount that terrible experience of mine and for personally checking on my condition,” patuloy ni De Lima.

Nauna nang inihayag ni Padilla na binisita niya si De Lima upang ipaliwanag sa kanya na ang mga aksyon ng Abu Sayyaf members ay hindi bahagi ng aral ng Islam.

Sinabi pa niya na tinalakay din niya ang posibilidad ng home furlough para kay de Lima, subalit sinabi ni Philippine National Police chief Gen. Adolfo Azurin Jr. na pinili ng dating senador na manatili sa loob ng Camp Crame. RNT/SA



De Lima kay Robin Padilla: ‘Thank you for your concern and kindness’
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento