‘Milyong dolyar’ nawawala sa mga Pinoy sa text scams-CICC
‘Milyong dolyar’ nawawala sa mga Pinoy sa text scams-CICC

MANILA, Philippines – Sinabi ng isang mataas na opisyal ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na ang mga Pilipinong gumagamit ng mobile phone ay nawalan ng “milyong dolyar” dahil sa sunod-sunod na scam text messages na kamakailan ay naglalaman ng mga pangalan ng mga user.
Sinabi ni CICC Deputy Executive Director Mary Rose Magsaysay sa mga mamamahayag na mga dayuhan at lokal na sindikato ang nasa likod ng paglaganap ng spam text messages.
“It’s a collaborative effort between local and international syndicates,” ani Magsaysay.
Ang CICC na isang attached agency ng Department of Information and Communications Technology, ay nagsabi sa isang Senate inquiry noong nakaraang buwan na iniimbestigahan nila ang anim na sindikato sa likod ng mga text scam.
Nang tanungin kung ang ahensya ay may pagtatantya kung magkano na ang ninakaw ng mga sindikatong ito mula sa mga Pilipinong gumagamit ng mobile phone, sinabi ni Magsaysay, “It’s in the millions of dollars.”
Sinabi rin ng opisyal ng CICC na bumubuo na sila ng kaso laban sa mga sindikato sa likod ng mga text scam.
Noong Setyembre 12, inutusan ng National Telecommunications Commission ang mga telcos na i-block ang mga URL, link, at quick response code sa mga text message sa gitna ng pagdami ng mga spam text message, na ang ilan ay naglalaman ng buong pangalan ng tatanggap. RNT
‘Milyong dolyar’ nawawala sa mga Pinoy sa text scams-CICC
Source: Filipino Pinoys
‘Milyong dolyar’ nawawala sa mga Pinoy sa text scams-CICC
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento