Higit 3M pasaporte naihatid sa DFA mula Enero – APO

MANILA, Philippines – Mahigit tatlong milyong pasaporte na ang naihatid ng APO Production Unit Inc. (APO) sa Department of Foreign Affairs sa unang siyam na buwan ng 2022.

Ito ang sinabi ng state-run printing firm na katuwang ng DFA sa isang public briefing na isinagawa nitong Biyernes, Oktubre 21.

Ayon kay APO chairperson Ricky Alegre, nasa kabuuang 3,062,300 pasaporte na ang nagawa nila mula Enero hanggang Setyembre ng taong ito.

“Itong dami ng passport na lumalabas, na dini-deliver namin, nagpapakita na marami namang mga kababayan natin ay gusto bumiyahe, magtrabaho o magbakasyon,” ani Alegre.

Dagdag niya, sa kasalukuyan ay wala silang backlog sa passport deliveries.

“We expect na ‘yung full normalization ng passport deliveries by next year,” aniya.

Ang ugnayan sa pagitan ng APO at DFA ay tatakbo hanggang sa 2025. RNT/JGC



Higit 3M pasaporte naihatid sa DFA mula Enero – APO
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento