2 estudyante huli sa P1.7M damo

MALASIQUI, Pangasinan – Kulungan ang kinasadlakan ng dalawang college student matapos mahulihan ng malaking halaga ng marijuana sa isinagawang operasyon ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Martes sa bayang ito.

Kinilala ni PDEA Pangasinan Pangasinan provincial director Rechie Camacho ang mga suspek na sina Tianes Rouch at Jomari Dalina, kumuha ng kursong turismo at aeronautics at kapwa galing Maynila .

Nadakip ang mga suspek Lunes ng gabi sa Barangay Nancayasan, Urdaneta City at nakuha sa mga ito ang nasa 500 gramo ng ‘kush’ isang high-grade na uri ng marijuana, at 100 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana, na aabot sa halagang P.1.7M.

Samantala, naaresto rin noong Lunes ng PDEA Pangasinan ang isa pang high-value target sa isang buy-bust operation sa Barangay Carmay West sa bayan ng Rosales.

Kinilala ni Camacho ang suspek na si Jeffrey Calderon na nagbebenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang ahente.

Inihanda na ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek.

Sinabi ni Camacho na nagsasagawa rin sila ng barangay drug-clearing operations sa kanilang mga operasyon laban sa mga drug personalities.

Nakapagtala na rin ng 1,081 ang drug-cleared barangays mula sa 1,272 barangay sa lalawigan na sangkot sa illegal na droga./Mary Anne Sapico



2 estudyante huli sa P1.7M damo
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento