Koordinasyon sa Pinas vs POGOs
Koordinasyon sa Pinas vs POGOs, paiigtingin ng Tsina

MANILA, Philippines- Handa ang Chinese government na palakasin pa ang pakikipagtulungan sa gobyerno ng Pilipinas na nagpapatupad ng batas sa krimen na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Sa isang kalatas, sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na matigas ang paninindigan ng Chinese government na kontrahin ang sugal at gumamit ng kamay na bakal para labanan ito.
Nauna rito, nakipagpulong si Huang Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nagsabi na ipagpapatuloy ng gobyerno ng Pilipinas na tapusin ang illegal activities sa pakikipagtulungan sa Chinese government.
“According to the Chinese laws and regulations, gambling in whatever form by Chinese citizens, be it online gambling or gambling overseas is illegal,” ayon kay Huang sabay sabing “Crimes induced by and associated with online gambling not only harm China’s interests and China-Philippines relations, but also hurt the intrerests of the Philippines.”
Nauna rito, may 175 kompanya ng POGO ang ipinasara, dahilan upang mawalan ng trabaho ang 40,000 Chinese nationals at maaaring ilegal na nananatili sa bansa.
“It is appreciated that relevant Philippine law enforcement agencies rescued a number of Chinese citizens and shut down some POGO companies during their recent operations,” ayon kay Huang.
Ang mga nailigtas na Chinese citizens ay nasa Bureau of Immigration detention facility sa Taguig City kung saan naghihintay ng kanilang deportasyon.
Sinabi ni Huang na ang Chinese Embassy sa Pilipinas ang siyang mangangasiwa ng deportasyon at iba pang usapin “in a constructive manner”. Kris Jose
Koordinasyon sa Pinas vs POGOs, paiigtingin ng Tsina
Source: Filipino Pinoys
Koordinasyon sa Pinas vs POGOs
paiigtingin ng Tsina
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento