DOH: 237 patay sa rabies mula Enero-Agosto

MANILA, Philippines- May kabuuang 237 indibidwal na namamatay sa rabies ang naitala mula Enero hanggang Agosto ngayong taon ayon sa Department of Health o DOH.

Sinabi ni Public Health Service Team Officer-In-Charge-Undersecretary Dr. Beverly Ho sa isang panayam na sa kaparehong panahon noong nakaraang taon ay nasa halos 200 lamang ang namatay.

Nangangahulugan aniya na tumaas ng 20% kumpara sa numero noong 2021.

Dagdag pa ni Ho, ang mga kaso ng rabies ay karamihan mula sa lahat ng aso na na-infect ng virus.

Sinabi ni Ho na ang mga alagang hayop ay may tyansa pa ring makakuha ng rabies virus sa kanilang katawan kahit pa sila ay may bakuna dahil hindi aniya natin alam kung saan-saan sila dumarayo o pumupunta.

Hinimok ni Ho ang mga may-ari ng alagang hayop na magsanay ng responsableng pet owner sa pamamagitan ng pagbabakuna sa kanilang mga alagang hayop, huwag hayaaang mag-trigger sa galit, at itali sila kapag may bisita.

Kung makagat, dapat aniyang iwasan ng mga pasyente na piliting paduguin ang kanilang mga sugat, at magpabakuna.

Nauna nang sinabi ng DOH na may 100% fatality rate ang rabies. Jocelyn Tabangcura-Domenden



DOH: 237 patay sa rabies mula Enero-Agosto
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento