P930M pondo inihanda na ng DSWD sa #OdettePH

Manila, Philippines – Inihahanda na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang higit P930 milyong standby funds na pangtulong sa mga masasalanta ng bagyong Odette.

Sa datos, P83 milyon ang ilalaan para sa pagbili ng karagdagang suplay para sa disaster operations habang nakahanda na rin ang 350,000 Family Food Packs (FFPs) para sa agarang pamamahagi sa mga pamilyang masasalanta.

“Quick Response Teams (QRTs) in Regions 5 (Bicol), 7 (Central Visayas), and 8 (Eastern Visayas) are now on standby,” lahad ng Department’s Disaster Response Management Group (DRMG) sa panayam.

Naihanda na rin ng DSWD 6 (Western Visayas) ang nasa 3,000 food packs sa Bago City, Negros Occidental; higit 1,000 sa Dumarao, Capiz; at higit 2,000 sa Banga, Aklan.

Samantala, inaayos na rin ng departamento ang pakikipag-ugnayan sa local government units na unang reresponde sa natural at man-made calamities, base na rin sa Republic Act 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010. RNT/FGDC



P930M pondo inihanda na ng DSWD sa #OdettePH
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento