Philippines news
Yamang dagat ng Sarangani bay nanganganib sa polusyon

SARANGANI – Nanganganib na maapektuhan ang mga yamang dagat na matatagpuan sa Sarangani Bay dahil sa tumitinding polusyon katulad ng paggamit ng single-use plastic.
Ito ay ayon kay environment advocate Cecil Diono ng Kalikasan, na maaari ring makaapekto sa mga mangingisda at iba pang umaasa sa naturang yaman.
Matatandaan na idineklarang protected seascape 25 taon na ang nakalilipas ang Sarangani bay dahil sa mayaman nitong biodiversity ngunit ngayon ay kumpirmadong nang nakita sa mga isda at iba pang lamang dagat ang microplastic particles mula sa mga basura.
Aniya: “kilometers-long patches of waste, including single-use plastics, have been documented accumulating in several portions of the bay since 2018.”
Maliban sa mga isda, nakakaapekto na rin ang mga microplastic sa mga balyena, pating at maging sa mga corals.
“The surroundings of the Sarangani Bay look like an ugly dumpsite,” pagdidiin ni Diono.
Sa naturang report, itinuturo rin nilang nagpasimula ng polusyon sa palibot ng Sarangani Bay ang taunang piyesta sa lugar.
“The pollution of the coastal surroundings started when the annual Sarangani Bay Festival, the biggest organized beach party in Mindanao, was held every November of the year.” RNT
Yamang dagat ng Sarangani bay nanganganib sa polusyon
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Yamang dagat ng Sarangani bay nanganganib sa polusyon
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento