Joint patrols ng Pinas at US sa Ayungin inirekomenda ng dating diplomat
Joint patrols ng Pinas at US sa Ayungin inirekomenda ng dating diplomat

MANILA, Philippines- Inirekomenda ng dating diplomat sa administrasyong Duterte ang pagsasagawa ng joint patrols ng Pilipinas at Estados Unidos matapos igiit ng China na tanggalin ang BRP Sierra Madre sa West Philippine Sea.
Sinabi ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na masyadong itinutuon ng gobyerno ang pansin nito sa bilateral diplomacy sa China, na naging sanhi upang mabalewala ang ibang opsyon upang matugunan ang mga banta ng China sa teritoryo ng Pilipinas.
“The matter of Ayungin shoal as a proper subject of the Mutual Defense Treaty with the United States should perhaps be considered, including the necessity of joint patrol,” pahayag ni del Rosario.
Ginagarantiya ng Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na parehong magbibigay ng military aid sa isa’t isa sakaling atakihin ng pwersang dayuhan ang mga teritoryo sa Pasipiko.
Nitong Miyerkules ay inihirit ng China na alisin ng Pilipinas ang BRP Sierra Madre, isang World War II-era warship na nasa Ayungin Shoal na taong 1999 pa lamang, at sinabing kailangang tuparin ng bansa ang pangako nito.
Itinanggi naman ng mga opisyal ng Pilipinas ang naturang kasunduan. Ani Defense Secretary Delfin Lorenzana malaya ang Pilipinas na gawin ang anumang naisin nito sa Ayungin, at sinabing ang China ang trespassing sa teritoryo ng Pilipinas matapos paboran ng United Nations Arbitral Tribunal ang Pilipinas. RNT/SA
Joint patrols ng Pinas at US sa Ayungin inirekomenda ng dating diplomat
Source: Filipino Pinoys
Joint patrols ng Pinas at US sa Ayungin inirekomenda ng dating diplomat
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento