COVID vaccination sa edad 5-11, wala pang target date – DOH

Manila, Philippines – Wala pang target date para sa vaccination ng edad lima hanggang 11, ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire.
Paliwanag nito, hinihintay pa ang emergency used authorization mula sa Food and Drug Administration (FDA) kaugnay sa inclusion ng mga sector sa nasabing programa.
Kailangan pa aniya ng karagdagang ebidensya bago maglabas ng EUA ang FDA .
Sinabing habang wala pang EUA ay kailangang mag-focus sa mga prayoridad na ginagawa ngayon lalo na sa mga tao na dipa nababakunahan at kanilang sa mga vulnerable population.
Ayon kay Vergeire, tinatayang nasa 13.5 milyon mga edad 15 hanggang 11 ang targeted at karapat-dapat na mababakunahan kapag ito ay nagsimula na.
Sinabi rin ni Vergeire na may sapat na bakuna para sa vaccination program kasama ang mga bata. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)
COVID vaccination sa edad 5-11, wala pang target date – DOH
Source: Filipino Pinoys
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento