IP Games sumiklab sa Benguet
IP Games sumiklab sa Benguet

MANILA, Philippines – Tuloy ang pagbibigay halaga at parangal ng Philippine Sports Commission (PSC) sa mga tradisyunal na laro ng mga katutubong Pinoy sa kabila ng banta ng pandemya sa isinagawang dokomentasyon at recording ng Indigenous Peoples Games sa lalawigan ng Benguet.
Pinangunahan ni PSC Commissioner Charles Raymond Maxey, oversight head ng IP Games program ng ahensiya, ang pagsasagawa ng mga tradisyunal na gawain para sa kapanatagan ng kalikasan at tagumpay ng mga laro kasama si Benguet Gov. Melchor Diclas sa Tublay, Benguet.
“We’re happy and very thankful to Gov. Diclas and other officials as well as to tribe leaders for their understanding and support. Dahil sa pandemya, nilimitahan namin ang partisipasyon ng mga katutubo sa documentation and recording,” pahayag ni Maxey.
Katuwang sa program ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), sa pakikipagtulungan ng Pocari Sweat.
“We strictly followed safety and health protocol during and after the program and the PSC coordinated to all officials and agencies concerned in conducting the IP Games here in Tublay, Benguet,” sambit ni Maxey.
Isinasagawa ng PSC ang ‘modified version’ ng IP Games bilang pagpapatuloy sa programa ng ahensiya kaalinsabay sa pagtalima sa ipinaguutos ng Inter-Agency Task Force (IATF) na pagi-ingat sa hawaan ng COVID-19 virus.
Mapapanatili ang paglinang, promosyon at pagpapalawak sa mga tradisyunal na sports ng IP communities sa Benguet sa pamamaraang makabago at teknikal.
Pinagkalooban din PSC ng Certificate of Appreciation si Gov. Diclas at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Benguet, gayundin namahagi ang ahensiya ng personalized tokens, sports supplies at equipment para magamit sa sports development program ng lalawigan. Kabilang sa mga ito ang 500 bags na may notebooks, lapis, notepads, at towels, gayundin ang 50 volleyballs, 25 footballs, 25 basketballs, at 5 tradisyunal na batingaw. Rico Navarro
IP Games sumiklab sa Benguet
Source: Filipino Pinoys
IP Games sumiklab sa Benguet
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento