2 pulis na namatay sa Gamay clash natukoy na

Manila, Philippines – Natukoy na ang pagkakakilanlan sa dalawang pulis na nasawi sa engkwentro laban sa mga terorista noong Sabado, Nobyembre 20 sa Brgy. Lonoy, Gamay, Northern Samar.

Kinilala ang namatay na sina Pat. Franklin Marquez at Pat. Jimmy Caranggayan na  police students na sumasailalim sa Special Action Force Commando Course (SAFCC).

Sinabi namang sugatan sa improvised explosive devices (IEDs) ang dalawang lieutenants at dalawa pang personnel.

Sa ulat, naganap ang engkwentro bandang alas-7 ng umaga.

Samantala, kinondena naman ni Police General Dionardo Carlos ang naturang insidente at nakatakdang bumisita sa mga sugatang pulis sa Tacloban. RNT/FGDC  



2 pulis na namatay sa Gamay clash natukoy na
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento