2 menor huli sa carnapping sa QC,  Caloocan

Manila, Philippines – Kalaboso ang dalawang menor de edad na suspek umano sa naganap na carnapping sa Quezon City at Caloocan city, batay sa ulat.

Tinukoy ang isa na 17-anyos na lalaki habang ang babae naman ay 16-anyos.

Nasabat sa dalawa ang ilang sasakyan, mga susi, at isang baril.

Depensa ng mga suspek, hindi kanila ang baril at napag-tripan lang nilang magbabarkada ang pag-carnap sa sasakyan.

Iniiwan din daw nila ito kapag ubos na ang gasolina.

Samantala, dadalhin naman sa Department of Social Welfare and Development ang mga suspek.RNT/FGDC



2 menor huli sa carnapping sa QC,  Caloocan
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento