magsisimula na sa Lunes
Pilot run ng F2F classes, magsisimula na sa Lunes

MANILA, Philippines- Sisimulan na sa Lunes ang pilot run ng limitadong in-person classes sa mga pampublikong paaralan sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang taon na sarado ang mga paaralan sanhi ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Isasagawa ang pilot implementation sa 100 paaralan na pinili ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH), karamihan sa mga ito ay mula sa malalayong lugar sa mga probinsya na “low risk” sa virus.
Nilinaw naman ni DepEd Planning Service Director Roger Masapol na ang pagbabalik ng face-to-face classes ay hindi nangangahulugan na babalik na rin sa dati ang sistema ng edukasyon bago pa man magkaroon ng COVID-19).
“Hindi po siya full face-to-face, ‘yong pagbabalik nila (students). Ang recommended ng DOH is one week [of] face-to-face, one week off sa school. So pupuwede siyang alternating,” paliwanag niya sa Teleradyo interview.
Ilan sa mga kalahok na paaralan ang nagsagawa ng simulation ng physical classes upang siguruhin na masusunod ang mga health protocols.
Base sa timeline ng DepEd, tatagal ang pilot study hanggang Enero 31 sa susunod na taon. RNT/SA
Pilot run ng F2F classes, magsisimula na sa Lunes
Source: Filipino Pinoys
magsisimula na sa Lunes
Philippines news
Pilot run ng F2F classes
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento