‘Di bakunado
‘Di bakunado, ila-lockdown

AUSTRIA – Sinabi ni Chancellor Alexander Schallenberg na anomang araw mula ngayon, paiiralin na ang pambansang lockdown sa lahat ng hindi bakunado, kasama na ang iisa pa lang ang bakuna, kaugnay ng lumalalang pananalasa ng coronavirus disease sa nasabing bansa.
Katwiran ni Schallenberg, hindi pupwedeng maghirap ang higit na nakararami kumpara sa katlong bahagi ng bansa na ayaw magpabakuna.
Sa lockdown, hindi pupwedeng lumabas ng bahay ang hindi bakunado maliban lang sa mga may trabaho, bumibili ng pagkain at nag-eehersisyo.
Sa ngayon, bawal ang mga ito sa mga restoran, sinehan, skiing at salon.
Kabilang ang Austria ang ngayo’y inaatake ng COVID-19 at may nagkakasakit na nasa 12,000 araw-araw.
Samantala, idineklara ni Germany Health Minister Jens Spahn na pandemya na ng mga hindi bakunado ang nagaganap sa kanyang bansa.
Sa ngayong, nasa 50,000 na araw-araw ang nagkaka-COVID-19 at maaari umanong may mamamatay na 100,000 German sa tatlong buwang taglamig o winter na aabot sa Pebrero 2022.
Pinagbawalan na ang mga hindi bakunado na pumasok sa mga restoran, hotel, sinehan at teatro sa Brandenburg at tanging ang mga bakunado o gumaling na sa COVID-19 ang papayagan. Fred Cabalbag
‘Di bakunado, ila-lockdown
Source: Filipino Pinoys
‘Di bakunado
ila-lockdown
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento