Higit 15K outbound, 13K inbound passenger dumagsa sa pantalan – PCG

Manila, Philippines – Naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 15,962 outbound passenger at 13,659 inbound passenger mula sa iba’t ibang pantalan sa paparating na Undas.

Sa kalatas, sinabi ng PCG na nasa 2,308 personnel ang naka-deploy sa mga pantalan sa buong bansa kung saan 48 vessel ang nainspeksyon buhat noong alas-12 ng tanghali.

Naunang isinailalim ng Coast Guard ang lahat ng kanilang operating units sa heightened alert status simula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3 bilang paghahanda sa Undas.

Magsasagawa rin aniya sila ng pagpapatrolya sa mga tourist destination upang magpaalala ng health protocols. RNT/FGDC



Higit 15K outbound, 13K inbound passenger dumagsa sa pantalan – PCG
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento