Philippines news
Tagumpay vs komunistang terorista nalalapit na-Sermonia

MANILA, Philippines – Inihayag ng hepe ng Philippine National Police (PNP) Directorate for Operations, na si Major Gen. Rhodel O. Sermonia, na nalalapit na ang pagtatapos sa pakikipaglaban sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front.
Sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), sinabi ni Sermonia na ang PNP kasama ang lahat ng sangay ng pamahalaan sa paqgsusulong ng “whole-of-nation approach”, ang siyang tatapos sa limang-dekada nang insureksyon ng CPP-NPA-NDF bago pa matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa June 30, 2022.
“Matapos ang limang-dekada, tanging ang administrasyong Duterte lamang ang determinado na pagsama-samahin ang lahat upang masolusyunan ang problema ng insureksyon. Sa mga nagdaang taon lamang, nakita na natin ang unti-unting pananagumpay gaya ng pagsasabatas ng anti-terror bill at ang pagbansag sa mga CPP-NPA bilang mga terorista, at maging ang mandato ng Executive Order 70 na nagtatago ng NTF-ELCAC. At marami pang ibang mga programa para finally we can end this local communist armed conflict,” paliwanag ni Sermonia.
ipinunto rin ni Sermonia na ang pagtatagumpay laban sa CPP-NPA-NDF ay dahil na rin sa mahusay na paninindigan ni Pangulong Duterte na wakasan na ang paghanari-harian ng mga komunistang-terorista.
“Eto po yung mga pinag-isipan talaga. All of these lead to the most common sensical strategic direction which is ‘winning the hearts and minds’ ng ating mga kababayan sa pagbibigay ng good governance and better government services,” paliwanag pa ng opisyal.
Ang pagkakatatag ng NTF-ELCAC, aniya, ay isang pinakamahalagang pamana ni Pangulong Duterte, na nagpagaan sa mga pulis na makipagtulungan sa mga Filipino na pahinain at pilayan ang hanay ng CPP-NPA-NDF sa malalayong lugar sa pamamagitan ng “massive police-community relations.”
“Halos abot-kamay na ang ating decisive victory. Marami na ang naniniwala sa programa ng ating pamahalaan. Kaya marami na rin ang sumusuko sa kanila (CTGs),” ang sabi ni Sermonia.
Sa ligal namang opensiba ng administrasyong Duterte, gaya ng anti-terror law, maging ang pinansyal na kapasidaf ng komunistang-terorista ay nalansag.
“Nahubaran natin sila ng mga maskara, at kung sino sa kanila ang mga kadre sa pagpapakilos nila ng kanilang mga front organizations,” dagdag pa niya, at malaki rin daw ang naitulong ng pagiimplementa ng Barangay Development Program (BDP) at pagtatatag ng Global Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups bilang mga ‘force multipliers.’
“Nagagawa nating i-cripple sila (CPP-NPA-NDF), also with our revitalized ‘Pulis sa Barangay’,” paliwanag ng police official, na ipinunto ang mga serbisyo ng gobyerno ay talagang naibabahagi sa mga tao at nararamdaman ng kahit na sinong nasa pinakamalayong lugar, kaya’t sumasama na ang lahat sa pakikipaglaban sa mga CPP-NPA-NDF.
“Tuloy-tuloy na ito hanggang maramdaman ng ating mga kababayan ang malasakit ng ating Pangulo,”ang tinuran ni Sermonia.
Ang kailangan na lamang, ayon sa mataas na opisyal ng PNP ay “strong finish” upang madama ng bawat Filipino ang “decisive victory” ng pamana ni Pangulong Duterte. RNT
Tagumpay vs komunistang terorista nalalapit na-Sermonia
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
Tagumpay vs komunistang terorista nalalapit na-Sermonia
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento