P29.4M winasak ni ‘Maring’ sa agrikultura
P29.4M winasak ni ‘Maring’ sa agrikultura

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Agriculture ng inisyal na P29.4 milyong halaga ng nasira sa sektor ng agrikultura kasabay ng pag-alis sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ng bagyong Maring.
Naitala ang mga winasak sa Cordillera Administrative Region.
Sumasalamin ito sa production loss ng 1,713 metric tons (MT), na makaapekto sa 1,128 magsasaka at 1,225 ektarya ng sakahan.
“Additional damage and losses are expected in flooded areas due to ‘Maring’ and enhanced Southwest Monsoon,” ayon pa sa abiso.
Base sa mga pinagsamang datos ng Regions CAR, I, II, III, IV-A, IV-B, VI, at IX, umaabot na sa 1,469,985 ektarya o 77.98% ng national standing crops para sa bigas at 298,523 ektarya o 57.98% national standing crop para naman sa mais ang naapektuhan.
Para matulungan ang mga apektadong magsasaka, agad na ikinasa ng DA ang
-
Quick Response Fund (QRF) sa rehabilitasyon ng apektadong lugar
-
Pamimigay ng rice, corn, at assorted vegetable seeds sa mga apektadong rehiyon
-
Drugs and biologics para sa livestock at poultry needs
-
Survival and Recovery (SURE) Loan Program of Agricultural Credit Policy Council (ACPC)
-
Pondo sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para sa mga magsasaka
“The DA-DRRM (Disaster Risk Reduction and Management) Operations Center will continuously provide updates regarding severe tropical storm ‘Maring’,” saad pa sa abiso ng DA. RNT
P29.4M winasak ni ‘Maring’ sa agrikultura
Source: Filipino Pinoys
P29.4M winasak ni ‘Maring’ sa agrikultura
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento