MAG-INGAT SA HAZARDS SA TAG-ULAN

TINATAWAG na hazards ang mga kon-disyong maaaring magdulot ng aksidente at sakit.

Kabilang sa mga hazard ang madulas na daan o hagdan; malakas na hangin; malabo o madilim na lagusan; baradong alulod, kanal o pusali; manhole na walang takip; naipong tubig sa ibabaw ng mga ginagawang istruktura tulad ng tulay, gusali at bahay; pag-apaw ng dam, ilog, etc.; paglambot ng lupa sa bundok o kapatagan; pagkahawa at pagdami sa katawan ng virus, bacteria, etc.; at marami pang iba.

Makabubuti ang pagpapaliban ng paglabas ng bahay o pagmamaneho kung umuulan. Kung kinakailangang lumabas, magsuot ng jacket, magdala ng flash light at payong o kapote. Ugaliing humawak sa mga handrail kapag umaakyat o bumababa sa hagdanan.

Magsuot ng anti-slip na sapatos o safety shoes at pag-ingatang humakbang sa madudulas na daan.

Sa pagmamaneho, inspeksyunin muna ang sasakyan bago gamitin. Palagiang magsuot ng seatbelt, sundin ang safety signs at humimpil lamang sa ligtas na lugar kung malakas ang ulan at hangin.

Pindutin ang “hazard warning lights” ng sasakyan.

Habang may pagkakataon, iulat at ipaayos sa kinauukulan ang mga baradong kanal o pusali. Gayundin ang mga manhole na walang takip at mga naipong tubig ulan sa construction projects.

Huwag ding kali-limutang alamin ang emergency plan tulad ng pagtungo sa mga evacuation center, tunog ng alarma na may kaugnayan sa posibleng landslides at pag-apaw ng tubig sa mga ilog.

Maglaan ng panahon na punan ang basic emergency kit o ‘Go-bag’ tulad ng canned foods, can opener, bottled water, flash light, first aid kit, reseta at gamot, ekstrang susi (ng sasakyan o bahay), listahan ng emergency numbers, ilang mahahalagang dokumento at pera.

Sundin pa rin ang mga health protocol upang maiwasan ang sakit na COVID-19.

Makatutulong ang mga paghahandang nabanggit upang mapanatili ang ating kaligtasan at kalusugan sa panahon ng tag-ulan.



MAG-INGAT SA HAZARDS SA TAG-ULAN
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento