Ina, hinostage, pinatay ng sariling anak

CAGAYAN-Tuluyan ng sinampahan ng kasong parricide laban sa anak na nanghostage at pumatay sa kanyang sariling ina sa loob ng kanilang bahay sa Brgy Mauanan, Rizal dito sa nabanggit na lalawigan.

Kinilala ang biktima na si Seferina Favor habang nagtangka namang mag-suicide ang suspek na si Ferdinand, 40-anyoswalang trabaho at sinasabing mayroon umanong problema sa pa-iisip.

Ayon sa mga rumospondeng pulis, pwersahan pang binuksan ng rumespondeng pulis ang nakakandadong bahay at dito nadatnan ang duguang katawan ng biktima habang nagsaksak naman sa sarili ang suspek nang makita ang operatiba.

Kaagad na isinugod ng pulisya sa Tuao District Hospital ang mag-ina subalit dead on arrival ang biktima habang nagtamo lamang ng galos ang suspek.

Napag-alaman na ang pangatlong beses na nanghostage ng kapamilya ang suspek.

Pansamantala, nasa pangangala na ng pulisya ang suspek na halos wala na sa katinuan ng malaman na napatay niya ang kanyang ina. Rey Velasco



Ina, hinostage, pinatay ng sariling anak
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento