bawal na
Maingay na tambutso sa Maynila, bawal na

Manila – “BAWAL na ang maingay na tambutso sa Lungsod ng Maynila”
Ipatutupad na ang nasabing pahayag matapos lagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang isang ordinansa na magkokontrol sa paggamit ng mga tambutso na naglilikha ng maingay na tunog sa lahat ng uri ng mga sasakyan sa lungsod.
Batay sa Ordinance No. 8772 o ang “Ordinance regulating the use of modified muffler/exhaust pipe and similar devices on all types of motor vehicles resulting to the emission of excessive, loud and unreasonable noise in the city of Manila and providing penalties for violation thereof and for other purposes,” ay hindi na maaaring gumamit ng mga maiingay na tambutso ang mga motorista sa lungsod at sakaling sila ay lumabag ay huhulihin sila at mahaharap sa multa at pagkumpiska sa kanilang tambutso.
Saad sa ordinansa, mahaharap sa multang P1,000 ang mahuhuli sa unang pagkakataon, P3,000 sa pangalawang pagkakataon at P5,000 sa ikatlong pagkakataon. Bukod sa multa ay kukumpiskahin din ang kanilang modified o exhaust pipe.
Nilagdaan ang nasabing ordinansa ni Yorme matapos makapasa ito sa konseho ng Maynila ay maaprubahan nina Vice Mayor at Presiding Officer Dr. Honey Lacuna-Pangan at ni Majority Floor Leader 3rd District Councilor Atty. Joel Chua.
Kabilang si Atty. Chua sa mga pangunahing may-akda sa nasabing ordinansa kasama ang kanyang mga kapwa konsehal na sina Joel Villanueva, Louisito Chua, Macky Lacson, Philip Lacuna at Terrence Alibarbar.
Samantala, naghain na si Atty Joel Chua ng kanyang kandidatura bilang Congressman sa ikatlong Distrito ng Maynila kahapon. Si Chua ay nakapagsilbi ng apat na termino bilang konsehal ng nasabing distrito kung saan minahal siya ng kanyang mga kadistrito dahil sa mga walang patid na tulong lalo na ngaytong panahon ng pandemya lalo na ang kanyang libreng serbisyo bilang abogado. JAY Reyes
Maingay na tambutso sa Maynila, bawal na
Source: Filipino Pinoys
bawal na
Maingay na tambutso sa Maynila
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento