COC filing sa 2022 polls, ‘peaceful, orderly’— PNP

Manila, Philippines – Mapayapa at maayos ang daloy ng ikaapat na araw ng paghahain ng ‘certificates of candidacy (COC)’ sa Eleksyon 2022, ayon sa Philippine National Police.

Sinabi ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar na mananatiling mapagmatyag ang kapulisan hanggang Oktubre 8.

“Nasa kalagitnaan na tayo ng filing of COC at ng [certificate of nomination and acceptance] at nananatiling maayos at tahimik ang prosesong ito sa nakalipas na tatlong araw.”

Panatag naman si Eleazar na mananatili ang payapang paghahain ng COC.

Nasa 3,000 police officer, sundalo, Philippine Coast Guard, at miyembro ng Bureau of Fire Protection ang nakakalat sa Sofitel compound. RNT/FGDC



COC filing sa 2022 polls, ‘peaceful, orderly’— PNP
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento