Cimatu: Pagkapanalo ng DENR vs illegal Taal Volcano miners
Cimatu: Pagkapanalo ng DENR vs illegal Taal Volcano miners, inspirasyon sa law enforcement team

Manila, Philippines – MALUGOD na tinanggap ni Environment Secretary Roy A. Cimatu ang desisyon ng kaso laban sa mga naarestong illegal miners sa probinsiya ng Batangas noong 2019.
Sa dalawang pahinang desisyon ni Judge Librado Chavez ng 5th Municipal Circuit Trial Court sa Talisay-Laurel, Batangas, ang mga akusadong sina Elmer Portugal, Lindley Miranda, Jeremy Caramoan, Gualberto Eser, Calisto Quimio at Geron Yambing ay napatunayang nagkasala ng illegal quarrying at pagkuha ng 14,430 cubic meters ng palanas minerals.
Sa press release ayon kay Sec. Cimatu ang desisyon ay isang inspirasyon at sinabi pa nito na ang prosekusyon sa mga illegal miners ay napapanahon upang maging inspirasyon sa enforcement team na magsanay ng mabuti at ipagpatuloy ang kanilang tagumpay.
“After the launch of our special course on enforcement at our Environment and Natural Resources Academy (ENRA), this development serves as a benchmark into making sure that the laws are strictly and properly promulgated,” saad ni Cimatu.
Ayon sa DENR ang palanas minerals na tinatayang aabot sa halagang P2.46 million ay kinuha sa quarrying operation sa Barangay Banga, Talisay, Batangas nang walang kaukulang permiso mula sa local Provincial Mining Regulatory Board at sa DENR Mines and Geosciences Bureau sa Region IV-A.
Kaugnay nito sinabi pa ng DENR na ang mga suspek ay naaresto noong Disyembre 16, 2019 matapos maaktuhang kumukuha at nagtatapon ng lupa at minerals mula sa lugar na bahagi ng Taal Volcano Protected Area Landscape at may klasipikasyon bilang “timberland.”
Samantala ang mga naarestong suspek ay kinasuhan ng paglabag sa Section 103 ng Philippine Mining Act of 1995 o ang Republic Act 7942 at Section 20 ng National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Act of 1992 o ang Republic Act No. 7586.
Kaugnay nito sa naging desisyon ng korte, ang mga suspek ay pinagbabayad ng multang P10,000 bawat isa at maaaring makulong kapag hindi nakapagbayad.
Sa kaugnay na ulat ayon kay DENR Undersecretary for Enforcement Benito Antonio de Leon, ang bagong tagumpay na ito ay “can be taken into new heights once the Environment Protection and Enforcement Bill or EPEB is passed.”
“We are seeing promising developments in the area of environmental law enforcement. Hopefully, these developments may inspire our legislators to mark this bill as urgent,” saad ni de Leon said. (Santi Celario)
Cimatu: Pagkapanalo ng DENR vs illegal Taal Volcano miners, inspirasyon sa law enforcement team
Source: Filipino Pinoys
Cimatu: Pagkapanalo ng DENR vs illegal Taal Volcano miners
inspirasyon sa law enforcement team
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento