aarangkada na sa Oct. 1
Tax amnesty sa Maynila, aarangkada na sa Oct. 1

MANILA, Philippines – Nilagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang isang ordinansa na magpapatupad ng “tax amnesty program” sa lungsod ng Maynila hanggang katapusan ng taon 2021.
Batay sa nilagdaang Ordinance No. 8773 ni Domagoso, magbibigay ng amnestiya ang pamahalaang lungsod para sa mga hindi nakapagbayad ng kanilang buwis tulad ng kanilang business tax, real property tax, regulatory fees, at iba pang singil sa serbisyo.
Ayon kay Domagoso, ang general tax amnesty program ay magiging epektibo simula Oktubre 1, 2021 atmagtatapos hanggang Disyembre 29, 2021.
Giit ng Alkalde, nilagdaan nito ang nasabing ordinansa upang mabigyan ng kagaanan ang mga negosyante at ekonomiya lalo na ngayong nahaharap ang bansa sa pandaigdigang pandemya.
“All corresponding accrued surcharge and interest penalties which any delinquent tax, regulatory fee or service charge may have incurred shall be deemed waived upon full payment of the principal amount of the basic tax, fee or charge within the period of effectivity of this Code,” batay sa nilagdaang ordinansa ni Domagoso. JAY Reyes
Tax amnesty sa Maynila, aarangkada na sa Oct. 1
Source: Filipino Pinoys
aarangkada na sa Oct. 1
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
Tax amnesty sa Maynila
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento