Manila, Philippines – Walang choice si Dennis Trillo kundi idaan sa Instagram ang kanyang reklamo laban sa isang online food seller dahil sa natagpuang bubog sa pagkaing inorder niya.

Para sa nobyang si Jennylyn Mercado ang inorder ni Dennis bandang alas sais daw ng gabi para i-deliver sa set ng taping ng aktres.

Buti na lang, hindi nakain ni Jennylyn ang ilang pirasong bubog na nakahalo sa pagkain. Pero nakunan ang mga ito ng litrato bilang ebidensya.

Sinubukang makipag-ugnayan ni Dennis sa online food seller pero hindi raw ito nagre-reply. Wala naman daw itong contact number na maaaring tawagan.

Minabuti ni Dennis na i-post na lang ang reklamo sa Istagram para baka sakaling makarating ito sa kaalaman ng inirereklamo niya.

Hindi binanggit ni Dennis ang pangalan ng inorderan, pero dapat papanagutin kung sinuman ang may-ari ng negosyong ‘yon.

Obyus na may mishandling na nangyari sa food preparation at hindi na dumaan sa masusing quality control. Ronnie Carrasco III



Jennylyn, muntik nang makakain ng bubog!
Source: Filipino Pinoys