HULING SULYAP NI AMA (TONI TALKS W/BBM) – 3

IPAGPATULOY natin ang pagtalakay sa panayam ni Toni Gonzaga kay dating Senador Bongbong Marcos.

Sa harap ng pambabatikos sa kanya ng mga dilawan, sinabi ni Toni: “I’ve reached a point in my life where I realized that other people’s perception of me is not my responsibility anymore. I have nothing to hide, I have nothing to defend, and I have nothing to explain to anybody because I know who I am deep inside.”

Ipinakita lamang ni Toni na siya’y may freedom of thought, freedom of expression at freedom of the press sa produksyon ng kanyang Toni Talks vlog.

Naging mas makabuluhan at nakaaaliw nga na marinig ang ilang personal na bagay sa katauhan at karanasan sa pagkabata ni BBM.

Dahil ang tema ng naturang interbyu ay “The Greatest Lesson Bongbong Learned from His Father,” ibinahagi ni BBM ang paghuhubog sa kanya ng kanyang ama sa pag-aaral mabuti at pagtulong sa kapwa.

Inalala ni BBM na pitong-taong gulang sya noong lumipat sila sa Malacañang mula sa San Juan at sa Palasyo na siya nagdiwang ng ika-walong birthday.

Sumama siya paminsan-minsan sa biyahe ni Pangulong Marcos at First Lady Imelda at doon niya nakilala ang maraming kilalang-tao tulad nina Indira Gandhi at Margaret Thatcher.

Bilang batang paslit, si BBM ay nangarap maging astronaut at rockstar gaya ng mga musikero ng Rolling Stone.

Ngunit bilang anak ng Pangulo na lider ng bansa sa makabagong panahon, napagtanto ni BBM na ang kanilang pamilya ay itinalaga ng Panginoong Diyos na maging lingkod-bayan.

“If that’s my purpose in life, if that’s what God wants me to do, then I will continue to serve and help make the Philippines better.

“We need to bring back a sense of nationhood in times of the worst crisis,” sabi ni BBM.
Masidhi ang pangangailangan ng sambayanang Pilipino ng lider na “mission-oriented” sa gitna ng pandemya.

“Kailangang pag-ibayuhin ang vaccination rollout at magkaroon ng balance between reviving the economy and implementing health safety measures.”

“Walang mas mahalaga ngayon kundi ang magkaisa, maglingkod, magtulungan magligtas ng buhay,” sabi ni BBM na isang Covid-19 survivor.

Ayon kay BBM, isang napakahalagang bagay na ipinamana ng kanyang ama ay ang ating sense of nationhood at pride bilang Pilipino.

Si Toni ay dalawan-taong gulang (ipinanganak noong January 20, 1984) noong EDSA uprising.
Inalala ni BBM ang inutos ng kanyang ama sa mga AFP heneral noong 1986, “I’ve spent my life defending Filipinos, I cannot hurt them now. Put your arms down.”

‘Di rin makakalimutan ni BBM ang pagsulyap sa kanya ng ama na hindi na nagsalita sa huling sandali ng kanyang buhay.

Ang pagpapahalaga sa kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino ang nakita niya sa mga mata ng amang Pangulong Marcos bago ito pumanaw.



HULING SULYAP NI AMA (TONI TALKS W/BBM) – 3
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento