ALAGANG ATE

KAHANGA-HANGA ang mga nasa likod ng bagong tatag na samahan ng kababaihan – ang “Magdalena Mission: Alagang Ate”, dahil napagsama-sama nila ang naggagandahang artista, beauty titlist, manlalaro, manunulat atbp.

Pangunahing adhikain nila ang makatulong, lalong lalo na sa kapwa nila kababaihan.

Palakasin at pagyamanin ang mga kaisipan na hindi lang sila pangalawang nilalang kundi mga kapaki-pakinabang na miyembro ng lipunan at maisulong din ang tunay na kapayapaan at kaunlaran.

May kanya-kanya silang mission. Nabigyan si Miss Globe Philippines Michelle Gumabao, sikat ding manlalaro ng volleyball, ng misyon para sa women’s psychosocial empowerment and mental health.

Paliwanag ni Gumabao, ang salitang “ate” ang isa sa pinakamahalagang salita sa kulturang Pilipino dahil ukol ito sa isang katauhan na laging handa para tumulong sa bawat miyembro ng pamilya.

Nakatatandang kapatid na kaagapay sa anomang problemang nararanasan ng sino man sa pamilya.

Bilang mga ate, nakahanda rin silang umalalay at tumulong sa mga kababaihan na naguguluhanan sa kani-kanilang katayuan gaya ng mga mag-aaral sa unibersidad na hinihikayat na umanib sa makakaliwang grupo ngunit ilalagay sa panganib sa huli dahil ginagawa silang mandirigma ng komunistang-terosristang samahan na CPP-NPA-NDF.

Kaya naman agad na sumuporta at nag-alay sila ng kanilang mga kakayahan para makatambal ng National Task Forc to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Tutukan naman ni “Ate Arci Muñoz” ang misyon sa mga kabataang kababaihan. Ipaalam sa kanila na may mga ate sila na maaaring takbuhan sa oras ng kagipitan.

Bilang aktres, ang sabi ni Ate Arci, magsisilbi silang magandang halimbawa sa lahat, nakahandang makinig sa mga karaingan, magbigay-kaalaman sa mga karapatang pang-kababaihan at aagapan na malinlang ng CPP-NPA-NDF.

Kay “Ate Mocha Uson” naman natoka ang pag-aaruga sa mga ina ng tahanan, lalo na sa mga ‘batang ina’ na dahil sa kahirapan ay napilitang mag-asawa na lang sa murang gulang sa kakulangan ng kaalaman sa buhay.

Misyon naman ni “Ate Pia Morato” ang para sa mga guro at edukasyon. Naniniwala siyang ang mga itinuturo ng komunistang-teroristang samahan sa mga kabataan ang sumisira sa pinakamaliit na bahagi ng lipunan – ang ating mga pamilya.

Mabuhay kayo mga “Ate” at makaaasang maging ang inyong abang lingkod ay ibibigay sa inyo ang todo-suporta.

Magsama-sama tayong sagipin ang mga kabataang kababaihan na nililinlang lang ng komunistang-teroristang samahan.



ALAGANG ATE
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento