3 kawatan nagsiksikan sa ninakaw na bike, tiklo nang sumemplang

MANILA, Philippines – Arestado ang tatlong kawatan nang sumemplang nang magsiksikan sa ninakaw na mountain bike sa Navotas City.

Swak sa hoyo sina James Catchuela, 18, istambay, ng 298 Trinidad St., Tondo, Manila; Daniel Catchuela, 23, estudyante, ng parehong adres at; Jayson Cruz, 24, ng 30 Simon St., Tondo, Manila.

Ayon sa pulisya, alas-5:30 ng umaga noong Setyembre 25 nang maganap ang insidente sa Phase 1-A, B36, L18, Barangay North Bay Boulevard South Kaunlaran, Navotas City.

Nabulabog umano ang residente ng nasabing address na hindi na ipinabanggit ang pangalan dahil nagtatatahol ang kanilang aso at nang suriin niya ang kanilang garahe ay nabulaga ang mga suspek na tinatangay ang kanyang mountain bike.

Nagkumahog na nagsipag-sakay sa bisikleta ang tatlong suspek at tinangkang tumakas ngunit hinabol ng nagrereklamo at swerteng nakakita ng mga nagpapatrolyang pulis.

Nang makarinig na ng wang-wang ang mga suspek ay nataranta ang mga ito hanggang sa sumemplang at mahuli ng mga pulis at mabawi ang ninakaw na bisikleta. Merly Iral



3 kawatan nagsiksikan sa ninakaw na bike, tiklo nang sumemplang
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento