Philippines news
US magbibigay ng $11.3M COVID assistance sa Pinas

MANILA, Philippines—Inanunsyo ng United States ngayong Biyernes ang pagbibigay nila ng karagdagang $11.3 milyon o P562 milyong COVID-19 assistance sa Pilipinas.
Kinumpirma ito ni National Security Advisor Jake Sullivan kina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pagbisita nila sa Washington, D.C. para sa isang pagpupulong.
“On COVID-19, we are pleased to announce that the United States will provide an additional $11.3 million in COVID-19 assistance to the Philippines, bringing total U.S. assistance to the Philippines since the start of the pandemic to $37 million, in addition to the 6 million U.S. vaccine doses donated and delivered to the Philippines through COVAX,” saad ng US National Security Council Spokesperson na si Emily Horne.
Kasalukuyang nasa Washington, D.C sina Locsin at Lorenzana upang dumalo sa ika-70 anibersaryo ng Mutual Defense Treaty (MDT). Napag-usapan anila kasama ang US Officials ang pagpapatibay ng alyansa sa pagitan ng Pilipinas at US.
Samantala, pinuri naman ng US security advisor ang Pinas dahil sa pagtanggap kamakailan sa Afghan refugees.
Dagdag pa rito, tinalakay din ng mga opisyal ang pagsuporta ng US sa kasalukuyang laban ng Pilipinas sa COVID-19, ang pagtulong laban sa terorismo, at ang importansya ng respeto sa karapatang pantao. RNT/RG
US magbibigay ng $11.3M COVID assistance sa Pinas
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
US magbibigay ng $11.3M COVID assistance sa Pinas
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento