Lumpiang shanghai ‘top-rated’ na Pinoy food — TasteAtlas
Lumpiang shanghai ‘top-rated’ na Pinoy food — TasteAtlas

MANILA, Philippines—Nanguna sa listahan ng “highest-rated Filipino food” ng TasteAtlas ang paborito sa handaang lumpiang shanghai.
Ang pang-masang deep-fried spring rolls na kadalasang puno ng giniling na baboy at gulay ay nakakuha ng 4.9 stars.
Sinundan ito ng sinigang na may maasim-asim na 4.8 stars at kamakailang kinilala rin ng TasteAtlas bilang “world’s top-rated vegetable soup.”
Ikatlo naman sa listahan ang manamis-namis na tocino na may score na 4.7 stars.
Ilan pa sa mga Filipino food na napabilang sa listahan ay ang sisig, adobo, at lechon na nahanay sa “great” na kategorya habang ang daing, pinangat, at torta naman ang nasa “ok” at balut, dinuguan, at pinipig ang nasa “worst” na kategorya.
Nagmula ang ratings ng Filipino foods sa reviews ng food critics sa TasteAtlas. RNT/RG
Lumpiang shanghai ‘top-rated’ na Pinoy food — TasteAtlas
Source: Filipino Pinoys
Lumpiang shanghai ‘top-rated’ na Pinoy food — TasteAtlas
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento