PCG personnel natagpuang batay sa NegOcc

BACOLOD CITY — Iniimbestigahan na ang pagkamatay ng tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa loob ng PCG Special Operations Force Training Center sa Barangay Talacagay, Hinoba-an, Negros Occidental.

Hindi naman pinangalanan ni Police Lt. Jaime Depillo, deputy police chief ng Hinoba-an Municipal Police Station ang  42-anyos na biktima mula sa North Cotabato na nakatakdang magdiwang ng kaarawan sa Setyembre 15.

Sa ulat, natagpuan ng pamangkin ng biktima ang kanyang tiyo na walang buhay sa barracks na may katabing M16 rifle.

Sinabi ni Depillo na may tama ito sa ulo.

Narekober naman ng mga pulis ang nasabing baril at bala nito.

Kasalukuyang wala pang kumpirmasyon sa tunay na dahilan ng pagkamatay nito ngunit tinitingnang anggulo ang posibleng ‘accidental firing.’

Bukod dito, posible rin aniya ang foul play.

Iniuwi na ang bangkay ng biktima sa Mindanao. RNT/FGDC



PCG personnel natagpuang batay sa NegOcc
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento