Covax facility umaray sa konting suplay ng bakuna
Covax facility umaray sa konting suplay ng bakuna

United States-Lumiit ang pag-asa ng Covax facility ng World Health Organization na makapag-suplay ng maraming bakuna laban sa coronavirus disease-19 o COVID-19 sa taong ito para sa higit na nakararaming bansa.
Sa halip na makapagdeliber ng 1.9 bilyong dose ng bakuna sa taong 2021, maaari umanong hanggang 1.4 bilyon lamang kumpara sa rekomendasyon ng mga health expert na kailangan ang 11 bilyong dose para makontrol ang pandemya sa buong mundo.
Sa ngayon, nasa 254 milyong dose pa lang ang nadedeliber ng Covax facility kumpara sa binalak nitong 785 milyon dose.
Iniisa-isa ng WHO ang mga dahilan at kabilang na rito ang pagkopo ng mayayamang bansa ng mahigit 80 porsyento ng suplay ng nagagawang bakuna at pinaghahati-hatian na lang ng mga mahihirap na bansa ang tira-tira.
Isa rin umanong dahilan ang hanggang ngayo’y pagpigil ng pamahalaang India ng pagluluwas ng mga gawa nitong bakuna gaya ng AstraZeneca o Covishield na gawa ng Serum Institute of India upang malabanan ang matinding atake ng pandemya sa nasabing bansa.
Kaugnay nito, sinabi naman ng United States na hindi ganoon kadali ang paggawa ng bakuna dahil kinakailangan nito ng mga sangkap na mahahalaga na dapat gawin din.
Matatandaang nagreklamo ang SII sa pagpigil ng US ng pagluluwas ng adjutant na pinakamahalaga umanong sangkap ng anti-COVID-19 na bakuna.
Isa pa umanong nakapipigil ng pagpapakalat ng bakuna sa mga mahihirap na bansa ang nagsimula nang pamimigay ng booster shot sa mga mayayamang bansa at kahit sa mga malulusog na mamamayan nila at hinihiling ng WHO na itigil muna ito kahit man lang hanggang sa katapusan ng 2021.
Sa kabila nito, ipinagdiinan ng US na siya pa rin ang may pinakamalaking sinusuplay na bakuna sa buong mundo sa nadeliber na nitong 140 milyong dose sa Covax facility at sa ibang mga bansa.
Kombinasyon ng donasyon at benta ang mga dinedeliber ng US sa iba. Fred Cabalbag
Covax facility umaray sa konting suplay ng bakuna
Source: Filipino Pinoys
Covax facility umaray sa konting suplay ng bakuna
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento